dzme1530.ph

University of the Philippines, hinimok na muling magsagawa ng assessment sa sinasabing mass grave sa NBP

Nanawagan si Sen. Francis Tolentino sa University of the Philippines (UP) Biological and Forensic Anthropologists na muling i-assess ang kanilang initial findings na walang human remains tulad ng buto o iba pang bahagi ng tao sa sinasabing mass grave sa septic tanks sa New Bilibid Prison.

Ito ay nang pabulaanan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pahayag ni UP Anthropology Professor Nestor Castro na hindi kayang tukuyin ng mga K-9 dogs na ginamit sa operasyon ang kaibahan ng mga pampasabog sa human remains.

Ayon kay PCG Ensign Jefferson Mangoyob, ang mga ginagamit na aso sa search and rescue ay mga cadaver dogs at hindi dual dahil hindi anya sila nagbibigay ng dual training para sa mga working dogs.

Katunayan ang mga ginamit anyang K-9 dogs sa bilibid ay ang kanilang mga asong ginagamit sa mga search and rescue operations tulad sa ilang insidente ng pagbagsak ng cessna plane.

Dahil sa magkasalungat na pahayag ng UP at PCG, iminungkahi ni Tolentino na muling magsagawa ng ebalwasyon ang UP sa kanilang initial assessment bilang pagkunsidera sa expertise ng Coast Guard. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author