Tinalakay sa Senado ang pag-amyenda ng Universal Health Care (UHC) Law, kasabay ng pag kwestyon kung bakit hindi pa rin kasama ang oral care benefits sa mga ibinibigay na benepisyo ng PhilHealth sa mga Pilipino.
Sa tala umano ng National Health Survey noong 2018, mayroong 73 million na Pinoy ang may tooth decay habang sa tala ng Philippine Dental Association nitong Pebrero, aabot naman ng 72% ng mga Pinoy ang may bulok na ngipin.
Ayon kay Sen. Raffy Tulfo, limited lamang ang kasalukuyang batas sa surgery ng tooth extraction sa may mga cleft lip o cleft palate, hindi kasama ang mga surgeries sa private dental clinics, at hindi rin umano kasama ang basic oral health care services.
Gayunpaman, ang pagsasama ng basic oral health care services ay pinag-aaralan na ni Sen. JV Ejercito, na siyang nag-iisponsor sa pag-amyenda ng UHC Law.