Nadagdagan ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa noong Hulyo.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang 4.8% o P2.27 million jobless Filipinos noong July, na mas mataas kumpara sa 4.5% noong June.
Bagaman tumaas ang bilang ng mga walang trabaho, sinabi ni PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na nakitaan nila ito ng improvement mula sa 5.2% o 2.6 million unemployed individuals sa kaparehong period noong nakaraang taon.
Nakapagtala rin ang Pilipinas ng 95.2% employment rate noong Hulyo, na mas mataas kumpara sa 94.8% sa kaparehong panahon noong 2022.
Sumirit din sa 15.9% noong Hulyo mula sa 12% noong Hunyo ang underemployment rate, na ibig sabihin ay may 7.1 million filipino workers na nais pang kumuha ng ibang trabaho o part time jobs.
Samantala, kabilang sa nag-ambag ng employment rate ang mataas na bilang sa transportation and storage; administrative and support service activities; professional, scientific and technical activities; information and communication; at manufacturing.
Habang ang wholesale and retail trade ‘agriculture and forestry; public administration and defense; arts, entertainment and recreation; at real estate activites ay nakapag-ulat ng mababang bilang ng mga may trabaho. —sa panulat ni Airiam Sancho