Bahagyang bumaba sa 4.7% ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa noong Marso.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), katumbas ito ng 2.42 million unemployed individuals, na mas mababa kumpara sa 4.8% o 2.47 million na naitala noong Pebrero.
Kabilang sa mga industriya na nag-ambag ng magandang bilang ng unemployment rate ang sektor ng transportasyon, accommodation and food service activities, wholesale and retail trade, at construction services.
Samantala, bumaba rin ang underemployment rate sa 11.2% noong Marso mula sa 12.9% noong Pebrero.
Ang underemployment rate ay tumutukoy sa bilang ng employed individuals na nais magkaroon ng karagdagang oras sa trabaho o part-time jobs. —sa panulat ni Airiam Sancho