Patuloy na bumababa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bahagyang bumaba sa 4.3% o katumbas ng 2.17 million ang jobless Filipinos noong Mayo mula sa 4.5% o katumbas ng 2.26 million unemployed Filipinos noong Abril, at mas mababa kumpara sa 6% na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Kaugnay nito, bumaba rin ang Underemployment rate, na tumutukoy sa employed individuals na nais magkaroon ng part time jobs sa 11.7% noong Mayo mula sa 12.9% noong Abril.
Samantala, sinabi ni PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na ito ang pangalawang pinakamababang unemployment rate na naitala simula noong April 2005. —sa panulat ni Airiam Sancho