dzme1530.ph

Unang tatlong araw ng Simbang Gabi, generally peaceful —PNP

Naging mapayapa ang unang tatlong araw ng Simbang Gabi.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na walang untoward incident at seryosong banta sa seguridad na naitala sa loob ng nasabing panahon.

Gayunman, hindi aniya nagpapaka-kampante ang pulisya, kasabay ng pagtiyak na pananatilihin nito ang pro-active stance.

Matatandaan na ipinag-utos ni PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr. ang maximum deployment ng mga Pulis simula noong gabi ng Disyembre 15 upang tumutok at magbantay sa mga simbahan, pasyalan, transport hubs, at iba pang places of convergence upang matiyak ang seguridad ng publiko. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author