Nakapagtala na ang bansang China ng kauna-unahang tao na nasawi dahil sa isang uri ng Bird Flu.
Ayon sa World Health Organization (WHO), isang 56-anyos na Chinese National mula sa Guangdong ang ikatlong kaso ng H3N8 subtype ng Avian Influenza na naitala sa bansa.
Sinabi naman ng Guangdong Provincial Center for Disease Control and Prevention na nitong nakaraang buwan pa nila naitala ang ikatlong kaso habang ang unang dalawang kaso ng virus ay noong nakaraang taon pa.
Hindi naman gaanong naglabas ng pahayag ang mga otoridad hinggil sa detalye ng nasawing ginang na mayroon umanong underlying conditions at mahabang exposure sa live poultry.
Gayunman paliwanag ng WHO, wala naman umanong abilidad ang virus na kumalat ng mabilis kung kaya’t ang risk na makaapekto ito sa buong mundo ay mababa.