Matagumpay na nakumpleto ng Philippine Coast Guard (PCG) ang unang Rotation and Resupply (RoRe) Mission sa West Philippine Sea ngayong 2024.
Natapos ng PCG ang kanilang misyon sa kabila ng presensya ng isang China Coast Guard na bumuntot sa RoRe mission simula Jan. 3 hanggang 9.
Ayon kay Coast Guard Commandant Ronnie Gavan, ligtas na narating ng patrol vessels na BRP Cabra at BRP Sindangan ang Port of Buliluyan sa Bataraza, Palawan at diniliver ang supplies sa kanilang units na naka-destino sa Kalayaan Group of Islands, kabilang ang Lawak, Panama, at Pag-asa.
Idinagdag ng PCG na sanay na sila sa pagbuntot ng mga barko ng Tsina sa kanilang regular na misyon at wala ring dapat ipag-alala dahil ang kanilang operasyon ay sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera