dzme1530.ph

Omicron subvariant na XBB.1.16, nakapasok na sa Pilipinas

Kinumpirma ng Pilipinas ang unang kaso ng Omicron subvariant na XBB.1.16 na kumakalat ngayon sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sa latest COVID-19 biosurveillance report ng Department of Health, na-detect ang kaso ng XBB.1.16 sa Western Visayas.

Binansagang “Arcturus” sa social media, ang bagong COVID-19 offshoot ay descendent lineage ng XBB na isang recombinant ng dalawang BA.2 descendent lineages.

Dinesignate ng World Health Organization ang XBB.1.16 bilang Variant of Interest noong nakaraang linggo kasunod ng pagdami ng mga kaso nito.

Sa ngayon ay nai-report na ang pagkalat ng “Arcturus” sa 33 bansa at karamihan sa mga ito ay naitala sa India.

About The Author