dzme1530.ph

Unang batch ng Pinoy mula sa Gaza, inaasahang makatatawid na patungong Egypt ngayong Lunes

Inaasahang ngayong Lunes matutuloy ang pagtawid ng unang batch ng mga Pilipino mula Gaza patungong Egypt sa pamamagitan ng Rafah Border.

Ito’y matapos maudlot ang paglilikas sa 20 Pinoy na naka-schedule, kahapon.

Noong Sabado ay walang nakatawid sa Rafah border makaraang hindi magkasundo ang mga partidong may kontrol sa lagusan.

Hindi kasi ligtas ang paglilikas sa mga sugatang Palestino dahil sa sunod-sunod na pambobomba ng Israel kaya pinatigil ng Hamas ang paglabas ng mga dayuhan mula sa Gaza.

Bunsod nito ay iniurong ngayong araw ang pagtawid ng unang batch ng mga Pinoy na binubuo ng 20 habang ang ikalawang batch na nasa 26 ay inaasahang maililikas, bukas. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author