Inaasahan ng Department of Transportation na mai-di-deliver sa loob ng 60 araw ang mga bagong driver’s license plastic cards.
Ito’y makaraang i-award ng DOTr ang proyekto noong nakaraang linggo sa Banner Plastic Card Inc., ang contractor na nasa likod ng visa debit cards ng LandBank.
Wala pang natatanggap na notice ang kumpanya para sa delivery ng nasa 500,000 license cards sa katapusan ng Hulyo o sa unang linggo ng Agosto.
Nakapasa naman ang banner sa pre-test at nagsagawa ng proof of concept noong June 16, kung saan halos lahat ng cards ay tinanggap ng system ng IT provider ng Land Transportation Office na Dermalog. —sa panulat ni Lea Soriano