dzme1530.ph

Unang bagyo ngayong taon, nakapasok na ng bansa; 3 lugar sa bansa, nasa ilalim ng TCWS no. 1

Isa nang ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa Catanduanes.

Ayon sa PAGASA-DOST, namataan si Bagyong Amang sa layong 495 kilometers sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Kumikilos ang bagyo pa-kanluran, hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometro malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 55 kilometro.

Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa lalawigan ng Catanduanes, northern portion ng Eastern Samar, at eastern portion ng Northern Samar.

Asahan na ang maulap na kalangitan sa Central Visayas, Caraga, Bicol Region, Eastern Visayas, Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon dahil sa bagyo.

 

 

 

About The Author