dzme1530.ph

Unang araw ng klase para sa S.Y. 2023-2024, generally peaceful!

Pangkalahatang naging mapayapa ang pagbubukas ng School Year 2023-2024.

Nabatid na nasa mahigit 32,000 pulis ang dineploy ng Philippine National Police sa unang araw ng klase para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, magulang at mga guro sa paaralan.

Ayon kay PNP Chief Police General Acorda Jr., aabot sa 6,159 police assistance desks na nakaposisyon sa loob o malapit sa mga pampublikong paaralan at binabantayan ng mga pulis ang handang tumugon sa pangangailangan sakaling magkaroon ng emergency.

Nakaalerto rin aniya ang hanay ng pnp para maiwasan ang mga krimen.

Hinikayat naman ng pulisya ang publiko na maging mapagmatyag at ireport kaagad sa mga otoridad ang mga mapapansing kahina-hinalang indibidwal o aktibidad.

About The Author