Inihayag ng Philippine National Police na “generally peaceful” ang unang araw ng isang linggong tigil-pasada na ikinasa ng ilang transport groups.
Sa panayam ng DZME1530, sinabi ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na naging mapayapa ang tigil-pasada bagaman may mga naitala silang mga lugar na nagsagawa ng rally.
Pinasalamatan din niya ang mga lokal na pamahalaan at pambansang pulisya na naglaan ng libreng sakay.
Samantala, ipinabatid naman ni Fajardo na patuloy ang kanilang kampanya laban sa pagsugpo ng mga private armed group kaugnay na rin sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at iba pa.