dzme1530.ph

UN Special Rapporteur, bibisita sa Pilipinas

Bibisita sa Pilipinas si United Nations Special Rapporteur (UNSR) on Freedom of Opinion and Expression Irene Khan, simula Jan. 23 hanggang Feb. 2.

Ayon sa Office of UN High Commissioner for Human Rights website, sa diwa ng kooperasyon at dayologo, susuriin ni Khan ang sitwasyon ng karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon at saloobin sa bansa.

Inimbita ng UNSR ang civil society, human rights organizations, media organizations, experts at iba pang stakeholders, upang ibahagi ang anumang impormasyon sa national normative framework, freedom of the media, internet freedom, at freedom of expression.

Si Khan na kauna-unahang babae na humawak sa naturang posisyon mula nang itatag noong 1993, ay kilalang advocate ng Human Rights, Gender Equality, at Social Justice. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author