Pina-iimbestigahan sa Senado ang umano’y “gentleman’s agreement” sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng Chinese government para ipagbawal ang pagsasaayos at rehabilitasyon ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Sa Senate Resolution 982 na inihain ni Sen. Risa Hontiveros, sinabi nitong kung sakaling totoo man ang nabanggit na kasunduan, para na ring isinuko ni Duterte ang soberanya ng Pilipinas, na maituturing na pagtataksil.
Nabanggit din sa resolusyon na maging ang National Security Council, sa pamamagitan ni Assistant Director General Jonathan Malaya ay walang ideya sa naturang kasunduan.
Sinabi pa ni Malaya na para malaman ang katotohanan, dapat maipaliwanag ni Atty. Harry Roque sa pagdinig, kung paano pinamahalaan ang kasunduan dahil may kinalaman ito sa pambansang seguridad.