dzme1530.ph

UAE OIL GIANT NA ADNOC, ISINARA ANG KANILANG RUWAIS REFINERY KASUNOD NG DRONE STRIKE

Loading

Isinara ng Abu Dhabi state oil giant na ADNOC ang kanilang Ruwais refinery kasunod ng sunog sa isang pasilidad sa loob ng complex matapos ang drone strike, ayon sa source.

Ito ang pinakabagong energy infrastructure disruption bunsod ng US-Israeli war sa Iran.

Ang complex ay site ng Abu Dhabi National Oil Company (ADNOC) facilities na kayang mag-refine ng hanggang 922,000 barrels ng langis kada araw.

Nagsisilbi rin itong central hub para sa downstream operations ng Emirates, kabilang ang malalaking chemical, fertilizer, at industrial gas plants.

About The Author