Nagpadala ang United Arab Emirates (UAE) ng Humanitarian Aid para sa mga apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon sa Albay.
Dumating ang donasyon ng mga pagkain na may bigat na 55 tonelada dakong alas-5 kaninang umaga sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport.
Pinangunahan nina Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary Benhur Abalos, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Rex Gatchalian, at Transportation Sec. Jaime Bautista ang pagtanggap ng tulong kasama si UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Alqataam.
Agad namang nagpasalamat si Pres. Ferdinand Marcos Jr. sa Pangulo ng UAE sa Humanitarian Aid na ipinagkaloob sa Pilipinas.
Samantala, target ng mga nasabing ahensya na agad maibigay sa mga apektadong residente ang naturang tulong. —sa panulat ni Airiam Sancho