Nakatakdang bumisita si United States President Joe Biden sa India sa susunod na buwan para dumalo sa Group of 20 Summit upang pahusayin ang multilateral development bank sa harap ng “unsustainable” na kasanayan sa pagpapautang ng China.
Ito ang inihayag ni National Security Advisor Jake Sullivan na ang pagbisita ni Biden ay mula September 7 hanggang 10.
Ayon pa kay Sullivan, bibisita rin si Vice Pres. Kamala Harris sa Jakarta, Indonesia sa loob ng apat na araw, simula September 4 upang makibahagi sa East Asia Summit at iba pang pagpupulong kaugnay sa Association of Souttheast Asian Nations bilang kapalit ni Biden.
Samantala, sa panahon ng G-20 Summit ay inaasahang tutugunan ng mga kalahok na bansa ang mga pandaigdigang isyu, gaya ng Climate Change at epekto sa ekonomiya ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine. —sa panulat ni Airiam Sancho