dzme1530.ph

U.S. at Malaysia, tumutulong na rin sa paghahanap ng nawawalang medevac chopper sa Palawan

Tumutulong na rin ang mga gobyerno ng Amerika at Malaysia sa search and rescue operations para sa nawawalang medical evacuation helicopter sa Palawan, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines.

Sinabi ng CAAP-Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center na nakipag-ugnayan sila sa Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at sa Philippine Adventist Medical Aviation Services (PAMAS).

Kaugnay ito sa dalawang Cessna 182 planes na nagsasagawa ng aerial research sa Kota Kinabalu, at CL60 aircraft ng U.S. Department of Defense.

March 1 nang mapaulat na nawawala ang helicopter na ino-operate ng PAMAS habang patungo sa Southern Palawan Provincial Hospital.

Lulan nito ang isang piloto, isang nurse, isang pasyente, at dalawang iba pa.

Samantala, hindi pa makumpirma ng CAAP kung bahagi ng medevac chopper ang natagpuang floating debris ng Philippine Coast Guard sa Lumbucan Island.

About The Author