Nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility si Severe Tropical Storm Chedeng.
Ayon sa PAGASA huling namataan si Chedeng sa layong 1,375km sa silangan-hilagang-silangan ng dulong hilagang Luzon sa labas ng teritoryo ng bansa.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110km kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 135km kada oras.
Kumikilos ito pahilagang-silangan sa bilis na 35km kada oras.
Umiiral sa bansa ang Hanging Habagat na nagdadala pa rin ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Extreme Northern Luzon.
Dahil dito, asahang magiging maulan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Nueva Vizcaya, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA at Antique.