dzme1530.ph

Tumaas na approval rating ng Pangulo sa Publicus Asia, resulta ng ikinampanyang “Pagkakaisa”

Ikinatuwa ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tumaas niyang approval rating sa Latest Pahayag Survey ng Publicus Asia.

Sa ambush interview sa Makati City, inihayag ng Pangulo na resulta ito ng pagkakaisa na kanilang isinisigaw mula pa noong panahon ng kampanya.

Kasabay nito’y nagpasalamat si Marcos sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanya para sa mithiing mapabuti ang pamumuhay ng lahat ng Pilipino, at mailagay ang Pilipinas sa magandang posisyon sa global economy.

Sinabi naman ng Pangulo na kina-kailangan ang masiglang ekonomiya upang matustusan ang malalaking programa para sa lipunan.

Kasabay nito’y iginiit ni Marcos na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang maibigay ang magandang buhay at maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Matatandaang sa 2nd Quarter Pahayag Survey ng Publicus Asia, mula sa 60% ay tumaas sa 62% ang approval rating ng Pangulo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author