dzme1530.ph

Tuloy-tuloy na monitoring sa mga presyo ng iba’t ibang bilihin, dapat maging regular!

Pinatitiyak ni Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship chairman Mark Villar na tuloy tuloy ang monitoring sa presyo ng mga bilihin lalo na ngayong malapit na ang holiday season.

Ginawa ng senador ang pahayag matapos ang pagsama niya isang price monitoring activity ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ininspeksyon ng DTI ang pagsunod sa Philippine Standards (PS) quality at Import Commodity Clearance (ICC) ng mga locally-made na produkto.

Kabilang sa mga ininspeksyon ng DTI kasama ang senador ay ang mga presyo ng construction materials, gaya ng tiles, plywood at mga appliances.

Sinabi ng senador na bukod sa mga home improvement equipment at fixtures ay mahalaga ring mamonitor ang presyo ng mga pagkain at bulaklak para matiyak na patas ang presyuhan para sa mga mamimili.

Kasabay naman nito, nanawagan nag senador sa publiko na tumulong sa pagrereport ng mga nagbebenta ng mga produktong hindi sumusunod sa standard retail price ng DTI at sa quality standards.

Maaari anyang tumawag sa DTI hotline 1394 o sa anumang social media account (facebook and instragram) ng DTI Consumer Care Pages o sa kanilang email address na [email protected]. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author