Patuloy ang ginagawang pag tally ng Philippine Coast Guard sa mga insidente ng pagkalunod ngayong long vacation.
Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Ballillo, patuloy pa rin nilang kinukuha ang mga reports galing sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Pero isa aniya sa pinaka nakalulungkot na natanggap nilang balita ay ang pagkalunod ng anim na kabataan sa Bicol.
Paliwanag ni Balilo, bagamat may mga rescue teams ang PCG at lifeguards sa mga beaches ay responsibilidad ng mga kasamang nakatatanda ang mga batang lumalangoy lalo na at mabilis ang mga pangyayari sa ganitong sitwasyon.
Sa ngayon ani Balilo, samu’t-saring drowning incident ang na-irereport sa ibat ibang bahagi ng bansa kabilang na ang mga nakainom at nagpilit lumangoy. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News