dzme1530.ph

Tulong sa nasawing OFW sa Hong Kong tiniyak ng DFA

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang Konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong sa pamilya ng nasawing Pilipino roon.

Ito’y matapos matagpuang palutang-lutang ang nasabing labi sa pantalan sa tulong na rin ng sumbong ng isang concerned citizen.

Ayon kay Office of Migration Affairs Assistant Sec. Paul Cortez, nasa stage of decomposition na ang labi ng naturang Pinoy nang makita ito.

Natukoy aniya ang pagkakakilanlan ng nasabing Pilipino sa pamamagitan ng mga ID na natagpuan sa kaniyang katawan.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na rin ang Konsulada sa employer ng naturang Pilipino at iba pang detalye ng pagkamatay mula sa Hong Kong Police, para sa agarang pagpapauwi ng labi nito sa bansa. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author