dzme1530.ph

Tuition hike freeze sa susunod na Acad. Year, isinusulong

Hinimok ng isang grupo ng mga mag-aaral ang Commission on Higher Education (CHED) na magpatupad ng moratorium kaugnay sa pagtaas ng tuition fees sa susunod na Academic Year.

Ayon kay Joshua Aquiler, tagapagsalita ng National Union of Students of the Philippine (NUSP), dapat mag-implementa ang pamahalaan ng tuition hike freeze dahil hindi pa nakakarekober ang ekonomiya ng bansa mula sa pandemya.

Binigyang-diin pa ni Aquiler na karamihan sa mga mag-aaral ay nagmula sa mga pamilyang may limitadong kita kung kaya maaaring maka-apekto ang pagtaas ng matrikula sa pagsisikap ng mga ito na matugunan ang mga pangangailangan ng pamilya.

Sa Abril a-28, magtatapos ang kunsoltasyong isinasagawa ng mga pribadong kolehiyo at unibersidad hinggil sa planong Tuition and Other Fee Increase(TOFI) sa kanilang mga nasasakupan para sa School Year 2023-2024.

 

About The Author