dzme1530.ph

Tsansa na tatama ang El Niño hanggang sa unang quarter ng 2024, 90% na

90% na ang tsansa na tatama ang El Niño hanggang sa unang quarter ng susunod na taon.

Ayon kay Thelma Cinco, Chief ng Climatology and Agro-Meteorology Division ng PAGASA, tag-init pa rin pero pagsapit ng katapusan ng Mayo ay tag-ulan na kaya huhupa na ang maalinsangang panahon.

Sinabi ni Cinco na asahan pa rin ang mga pag-ulan sa pre-development period ng El Niño.

Inihayag din ng PAGASA official na 53% ang tsansa na aabot sa “strong” ang El Niño Phenomenon sa huling bahagi ng 2023.

Bunsod nito, pinayuhan ng state weather bureau ang publiko na maging matalino sa paggamit ng tubig, pati na rin sa kuryente.

About The Author