dzme1530.ph

Truck na may kargang mga paputok, sumabog at nasunog sa Marikina; 2, patay

Mga paputok ang itinurong sanhi ng pagkatupok ng isang truck na nakaparada sa BFCT East Metro Transport Terminal sa Barangay Calumpang sa Marikina City.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Dir. Pol. Brig. Gen. Wilson Asueta, natagpuan sa loob ng truck ang mga paputok at iba pang mga gamit na madaling magsiklab, gaya ng mga tela at karton.

Nasawi sa naturang insidente ang driver at pahinante ng truck habang limang iba pa ang nasugatan.

Nadamay din sa sunog ang katabing bus na sa kabutihang palad ay walang pasahero.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pananagutan ng may-ari ng truck, kasabay ng paalala na hindi pinapayagang ibiyahe sa pamamagitan ng public at cargo vehicles ang mga paputok.  —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author