Nag-isyu ang Bureau of Customs (BOC) ng warrant of seizure and detention sa isang truck na kargado ng 21,000 liters ng unmarked at smuggled blended fuel na nadiskubre sa Maynila.
Ayon kay Customs Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy, nabigo sa field at confirmatory fuel marking tests ang truck na may kargang blended diesel na pag-aari ng V-Fuel Gasoline station.
Inihayag ng BOC na hindi nagbayad ang may-ari ng fuel ng taxes and duties, na paglabag sa Republic Act 10963 at Customs Memorandum na “Implementing the Fuel Marking Program.”
Idinagdag ng ahensya na kailangang i-impound ng field inspection team ang non-compliant fuel kasunod ng proper procedures. —sa panulat ni Lea Soriano