Bagama’t nagsimula na ngayong araw na ito ang dagdag-singil sa NLEX, iginiit ni Sen. Sherwin Gatchalian na may kapangyarihan ang Toll Regulatory Board na suspindihin ang toll rate increase.
Sinabi ni Gatchalian na maaaring ikunsidera ng TRB ang mga komento ng mga mambabatas at maging ng publiko laban sa dagdag singil.
Ipinaalala ng senador na tungkulin ng TRB na tiyaking maganda ang performance ng mga namamahala sa expressways.
Taliwas anya sa magandang serbisyo na dapat tapatan ng mataas na singil ay problema sa trapiko at palyadong cashless system ang kadalasang nararanasan ng mga motorista sa NLEX.
Iginiit ni Gatchalian na matagal nang napapansin ang mga problema sa NLEX subalit hanggang ngayon ay hindi nabibigyan ng maayos na solusyon.
Binigyang-diin ng senador na dapat ikunsidera sa pag-aapruba ng taas singil sa expressway ang performance ng management nito o ang serbisyong naibibigay sa taumbayan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News