dzme1530.ph

Transportation Secretary Bautista at dalawang kongresista, idinawit sa katiwalian sa LTFRB

Idinawit si Transportation Jaime Bautista at dalawa pang kongresista sa umano’y katiwalian sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon sa Pangulo ng transport group na MANIBELA na si Mar Valbuena, inakusahan ng whistle blower na si Jeff Tumbado si suspended LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na nag-deliver ng corruption money kay Bautista.

Aniya, sinabi rin umano ni Guadiz kay Tumbado na dalawang kongresista ang sangkot din sa pangongolekta ng P5-M sa bawat transaksyon, gaya ng pagbubukas ng mga bagong ruta o pagkuha ng prangkisa.

Ibinunyag din ng whistle blower na bawat LTFRB Regional Director ay obligadong mag-remit ng quota na P2-M kaya pumapalo ang koleksyon sa P30-M kada buwan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author