Sinuspinde muna ng transport group na MANIBELA ang kanilang tigil-pasada bunsod ng masamang panahon dulot ng bagyong Egay.
Sa Facebook, sinabi ni MANIBELA Pres. Mar Valbuena, na bi-biyahe sa kanilang mga ruta ang mga jeepney driver kasunod ng apela ng ilang grupo ng commuters na apektado ng transport strike sa gitna ng posibleng malakas na pag-ulan.
Inanunsyo ni Valbuena na wala munang tigil-pasada ngayong Martes, kasabay ng pagsasabing magkakaroon ng usapan kasama ang gobyerno subalit hindi na ito nagbigay ng iba pang mga detalye. —sa panulat ni Lea Soriano