dzme1530.ph

Transport groups, humirit ng TRO sa Korte Suprema kontra sa PUV Modernization

Sa harap ng nalalapit na deadline para sa consolidation ng jeepney operators, naghain ang mga miyembro ng transport groups ng petisyon sa Korte Suprema para hilingin na itigil ang implementasyon ng PUV modernization program.

Sa 56 na pahinang petisyon, hiniling ng transport groups sa Supreme Court na ideklarang null and void ang iba’t ibang kautusan ng government transportation agencies, at maglabas ng Temporary Restraining Order upang mapigilan ang mga respondent mula sa pagpapatupad ng mga hakbang.

Kabilang sa petitioners sina PISTON Chairman Modesto Floranda, Bayan Muna Party-List Coordinator Gaylord Despuez, No to PUV Phaseout Coalition of Panay Member Elmer Forro, at Komyut Spokesperson Ma. Flora Cerna.

Ang respondents naman ay ang Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board na kinakatawan nina Secretary Jaime Bautista at Chairperson Teofilo Guadiz III. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author