dzme1530.ph

Transport group na MANIBELA, ipagpapatuloy ang tigil-pasada ng PISTON

Sa ikatlong araw ng paglulunsad at pagtatapos ng tigil-pasada ng grupong PISTON, sinimulan naman ng MANIBELA ang panibagong transport strike para tutulan PUV Modernization ng pamahalaan.

Sinabi ni MANIBELA President Mar Valbuena na maninindigan ang kanilang mga miyembro sa orihinal na plano na magdaos ng tatlong araw na strike simula ngayong Miyerkules hanggang sa Biyernes.

Inihayag ni Valbuena na nasa 200,000 operators at drivers sa buong bansa ang lalahok sa “extended” strike, kasabay ng pagbibigay diin na sa Metro Manila pa lamang ay 400 ruta na ang maaapektuhan ng tigil-pasada.

Idinagdag ng MANIBELA President na sa National Capital Region, ang sentro ng strike ay sa Marikina, Maynila, Monumento sa Caloocan, Muntinlupa, Novaliches, Paranaque, Pasig, Project 4 sa Quezon City at Valenzuela. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author