dzme1530.ph

Tracker team na tutugis sa mga suspek sa “missing sabungeros”, bubuuhin ng DOJ

Inanunsiyo ni Justice sec. Jesus Crispin Remulla ang pagbuo ng tracker teams para tugisin ang mga suspek sa pagkawala ng anim na sabungero sa Manila Arena noong 2022.

Ginawa ni Remulla ang pahayag kasunod ng ginanap na pulong kahapon kasama ang mga pamilya ng mga nawawalang sabungero.

Noong Pebrero ay inisyuhan ng Warrant of Arrest sa kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention ang farm manager na si Julie Patidongan, gayundin sina Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnry Consolacion, at Roberto Matillano Jr..

Kaugnay ito ng pagkawala nina John Claude Inonog, James Baccay, Marlon Baccay, Rondel Cristorum, Mark Joseph Velasco, at Rowel Gomez, noong January 2022.

Una na ring inanunsyo ng DOJ ang P6-M pabuya para sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga suspek. https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2023/news/02/17/wanted-suspect-of-missing-sabungeros.jpg

About The Author