Ie-extend na hanggang sa Ilocos Region ang Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).
Ito ay makaraang aprubahan ng National Economic and Development Authority Board na pinamumunuan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang TPLEX Extension Project.
Ayon kay NEDA sec. Arsenio Balisacan, sa pamamagitan ng Public-Private Partnership ay itatayo ang four-lane extension highway na may habang 59.4 kilometers, na magko-konekta sa Ilocos Region, Central Luzon, at Metro Manila.
Sa oras na matapos ay inaasahang mapasisigla pa nito ang economic activity, maiibsan ang trapiko, at magbibigay ng mas maayos at mas ligtas na road access sa mga nasabing rehiyon.
Ang proyekto ay tinatayang magkakahalaga ng P23.4-B, at target itong ma-kumpleto sa ilalim ng termino ni Pangulong Marcos. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News