Nakapagtala ang Pilipinas ng 7 karagdagang kaso ng COVID-19 subvariant XBB.1.16 o “Arcturus”, dahilan para umakyat na ang total caseload sa 11.
Sa latest COVID-19 biosurveillance report ng Department of Health, dalawang bagong Arcturus cases ang na-detect sa Central Luzon, 2 rin sa Western Visayas habang tig-1 sa Bicol Region, MIMAROPA, at Cordillera Administrative Region.
Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na posibleng may local transmission ng Arcturus sa bansa dahil walang linkage sa mga kasong na-detect kamakailan.
Wala naman aniyang dapat ipag-alala ang publiko basta sumusunod sa health protocols, gaya ng pagsusuot ng face masks hangga’t kinakailangan, magpabakuna at magpa-booster.
Ang XBB.1.16 ay itinuturing na “variant of interest” ng World Health Organization, at “variant under monitoring” ng European Center for Disease Prevention and Control. —sa panulat ni Lea Soriano