dzme1530.ph

Top most wanted person, arestado!

Nahulog sa kamay ng mga tauhan ng Manila Police District Intelligence Unit ang Top 6 most wanted person na matagal ng nagtatago sa batas.

Dinakip ang ang suspek dahil sa inilatag na Oplan-Sita checkpoint, sa Delpan St. Cor CM Recto Ave Tondo, Manila.

Kinilalang si alyas na Serdeña, lalaki, 27-taong gulang, at residente ng Area C Gate 54, Brgy 275 Zone 25, Binondo, Manila.

Nasakote ito ng MPD Station-12 bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Hon.  Tita Bughao Alisuag, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 1, ng Manila, na may petsang Oktubre 23, 2023 na may P100,000.00 piyansa inilaan ang Korte para sa pansamantalang kalayaan.

Pansamantalang nakakulong sa costudial facility ng pulisya ang suspek habang nakabinbin ang pagbabalik ng woa sa Korte ng pinagmulan. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author