dzme1530.ph

Top Fencer ng Pilipinas na si Maxine Esteban, lumipat sa Ivory Coast

Ipagpapatuloy ng Top Fencer ng Pilipinas na si Maxine Esteban na maisakatuparan ang kanyang olympic dreams, subalit sa pamamagitan ng ibang bansa.

Si Esteban ay nagpalit ng nationality at magiging kinatawan ng Ivory Coast para makakuha ng spot sa 2024 Paris Olympics.

Inaprubahan ng Philippine Fencing Association ang paglipat ng Pinay fencer at ni-request sa International Fencing Federation na i-waive ang 3-year residency rule upang maisulong ni Esteban ang kanyang kagustuhang makasali sa Olympics sa susunod na taon.

Sa sulat ni PFA President Richard Gomez kay FIE Chief Executive Officer Nathalie Rodriguez, sinabi nito na suportado nila ang pagpapalit ni Esteban ng nationality representation sa Ivory Coast kung saan isa rin itong  naturalized citizen.

Inaprubahan ng FIE ang request ng PFA habang humiling din si Esteban ng kaparehong waiver mula sa Philippine Olympic Committee.

About The Author