dzme1530.ph

Toll rate hike sa Cavitex, aprubado na ng TRB

Inaprubahan na ng Toll Regulatory Board ang petisyon ng Cavitex Infrastructure Corp. hinggil sa pagtaas ng toll fee.

Dahil dito, ang toll rate para sa Class 1 vehicles (kotse at SUVs) sa R-1 Expressway o magmumula sa Seaside Drive sa Parañaque hanggang Zapote, Las Piñas ay tataas sa P35 mula sa P33 pesos.

P70 mula P67 naman ang toll increase para sa Class 2 vehicles (minivans at mga bus), habang P104 mula sa P100 para sa Class 3 vehicles (malalaking truck at trailers).

Samantala, ang toll fee para sa Class 1 vehicles mula sa Zapote Intechange sa Bacoor, Cavite hanggang Kawit Toll Plaza ay tataas sa P73 mula sa P64.

P145 mula sa P129 naman ang toll increase para sa Class 2 vehicles, habang P219 mula sa P194 para sa class 3 vehicles.

Samantala, wala pang inilalabas na petsa ang pamunuan ng Cavitex kung kailan ipatutupad ang toll adjustments. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author