Ang pagkakaroon ng peklat o scar ay likas na bahagi ng proseso ng pagpapagalingpagkatapos magtamo ng sugat o pinsala sa balat.
Narito ang ilang tips o home remedies mula sa mga eksperto o dermatologist upang mabawasan at magamot ang peklat.
Una, gumamit ng katas ng lemon at ipahid ito sa sugat gamit ang bulak.
Ang lemon ay may alpha hydroxy acid o aha na makatutulong upang maalis ang patay na selula ng balat.
Pangalawa, maaari ring ipahid ang honey sa peklat dahil ito ay likas na moisturizer na epektibo sa paggamot ng sugat.
Pangatlo, taglay ng aloe vera ang anti-inflammatory properties na tumutulong upang mabawasan ang pamamaga sa balat at maalis ang dead skin cells mula sa mga sugat.
At panghuli, subukang gumamit ng tea tree oil na mayaman sa anti-bacterial properties na nakakatanggal ng mga peklat.