![]()
Pinawi ng Department of Energy (DoE) ang pangamba ng publiko sa kakulangan ng suplay ng petrolyo sa gitna ng nararanasang giyera sa Gitnang Silangan.
Ilan sa mga gasoline station ay nagdeklara ng out of stock sa kanilang produktong petrolyo.
Pero ayon kay Energy Sec. Sharon Garin, sapat ang suplay ng produktong petrolyo hanggang sa buwan ng Abril.
May mahigit isang buwan pa, aniya, ang ahensiya para maghanap ng iba pang pagkukunan ng suplay.
Inaaral na rin ng DoE at iba’t ibang oil companies ang posibleng paghahanap ng ibang suppliers ng petrolyo sa gitna ng giyera sa Iran.
Una nang tiniyak ng DoE na mahigpit ang kanilang pagbabantay sa posibleng hoarding at profiteering sa bentahan ng petrolyo sa gitna ng serye ng oil price hike.
Sinabi rin ng DoE na kanilang aaksiyunan kung may mangyayaring hoarding o pang-iipit ng suplay ng petrolyo kasabay ng ipatutupad na malakihang oil price hike kahapon.
