dzme1530.ph

Tinatamasang kalayaan ng Pilipinas, para sa lahat —SC Chief

Ipinaalala ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo sa mga pinuno ng bansa na ang tinatamasang kalayaan ng Pilipinas ngayon ay hindi lang para sa iilan na nakatataas sa lipunan ngunit para sa lahat ng mamamayan ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa Barasoain Church sa Malolos, Bulacan, sinabi ni Gesmundo na ang kalayaang tinatamasa sa ngayon ay dapat matiyak na para sa buong sambayanan at hindi lang para sa iilan.

Biniyang-diin ng Punong Mahistrado na kailangan ng mas malawak at mas malalim ang pagtingin sa depinisyon ng kalayaan na hindi lang dapat nakatuon sa pag-alpas sa mga mananakop.

Dapat anyang ipakahulugan ngayon ng kalayaan ang pagiging malaya ng bansa sa gutom, sa kahirapan, sa pangamba at kawalan ng katarungan.

Iginiit ni Gesmundo na kung nakalaan lamang sa iilan ang kalayaan na mabuhay ng masaya, ng may dignidad, ng may pagmamahal, na may pag-asa ay hindi magiging makabuluhan at magiging ganap ang kalayaan.

Sa panig anya ng Korte Suprema, itinutulak nila na magkaroon ng kalayaan sa patas na batas ang publiko sa pamamagitan ng repormang isinusulong nila sa ilalim ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027 o STJI.

Sa ilalim nito, sisikapin ng hudikatura na maihatid ng agaran o “real time” ang hustisya at babaguhin ang korte bilang mas maliksi, mas makabago at mas malapit sa tao.

Lahat anya ng layunin ng Korte Suprema ngayon ay alisunod sa itinatadhana noon ng Konstitusyon ng Malolos, ng himagsikan at iba pang pagkilos tungo sa kalayaan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author