dzme1530.ph

Tinanggihang political asylum ni suspended Rep. Arnolfo Teves, inaasahang tatalakayin ng Pangulo, Timor Leste PM

Inaasahang tatalakayin nina Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Timor Leste Prime Minister Taur Matan Ruak ang ibinasurang hiling na political asylum ni suspended Cong. Arnolfo “Arnie” Teves.

Ito ay sa nakatakdang bilateral meeting ng dalawang lider sa sidelines ng 42nd ASEAN Summit sa Indonesia.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez na bahagi ng Philippine delegation, malaki ang posibilidad na mapag-usapan nina Marcos at ruak ang tinanggihang political asylum ni Teves.

Gayunman, sinabi ni Romualdez na wala siyang ideya kung hihilingin ng pangulo sa lider ng Timor Leste na ilabas si Teves, ngunit ipina-alala nito ang limang araw na palugit sa suspendidong mambabatas para umalis ng Timor Leste kasunod ng ibinasurang political asylum.

Sa kabila nito, nilinaw ng House Leader na walang itinakdang ultimatum ang Pangulo kay Teves dahil may mga sinusunod silang proseso at protocols.

Mababatid na si Teves ang itinuturong “mastermind” sa pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author