dzme1530.ph

Tim Cone, pinalitan si Chot Reyes bilang head coach ng Gilas Pilipinas

Itinalaga si Tim Cone bilang bagong head coach ng Gilas Pilipinas na sasabak sa nalalapit na Asian Games sa Hangzhou, China.

Ayon kay Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio, nakumbinsi nila si Cone na una nang tumanggi na palitan si Chot Reyes, sa pamamagitan ng panghihikayat ng big boss ng San Miguel Corp. na si Ramon S. Ang.

Tatlong teams sa PBA ang pagma-may-ari ng SMC, kabilang ang Barangay Ginebra kung saan si Cone ang head coach.

Makakasama ng team ni Cone sa laban ng Gilas Pilipinas para sa Asian Games sina SMC Sports Director Al Francis Chua bilang Team Manager at PBA Commissioner Willy Marcial bilang Deputy Team Manager.

Magsisilbi namang assistant coaches sina Richard del Rosario, Jong Uichico, Josh Reyes at PBA player na si L.A. Tenorio. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author