dzme1530.ph

Tiktok, tinanggal ang account ni Apollo Quiboloy

Kinumpirma ng short video platform na Tiktok na tinanggal nito ang account ng religious leader na si Apollo Quiboloy na nasa Most Wanted list ng FBI dahil sa Sex Trafficking charges.

Sinabi ng Tiktok na isinara nila ang account ni Quiboloy, alinsunod sa kanilang community guidelines.

Gayunman, hindi tinukoy ng kumpanya ang eksaktong probisyon ng kanilang panuntunan na nagresulta sa pag-ban sa pinuno ng Kingdom of Jesus Chrsist.

Bago matanggal, ang Tiktok page ni Quiboloy ay mayroon itong halos 26,000 followers, kung saan ang kanyang mga video ay nakakakuha ng mahigit 237,000 likes.

Noong nakaraang buwan ay tinerminate din ng YouTube ang account ni Quiboloy dahil sa mga kasong kinakaharap nito sa Amerika. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author