dzme1530.ph

TikTok, iniimbestigahan ng NSC dahil sa security threat at foreign ownership

Naglunsad ng imbestigasyon ang National Security Council (NSC) sa sikat na social media platform na TikTok.

Iniimbestigahan ng NSC Task Force ang pagtalima ng TikTok sa Philippine Constitutional Restrictions sa foreign ownership sa mass media, pati na ang security implications nito.

Inaasahang matatapos ng task force ang kanilang imbestigasyon sa Disyembre, at saka pagpapasyahan ng gobyerno kung iba-ban ang TikTok.

Tinukoy ng NSC ang hakbang kamakailan ng ilang bansa, kagaya ng Nepal at India, sa pag-ban sa TikTok bunsod ng umano’y negatibong epekto nito sa social structures.

Naunang ipinagbawal ng Amerika at New Zealand ang TikTok sa government-issued devices sa pangambang ginagamit ng China ang social media app sa pag-e-espiya o propaganda. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author