Bigo, para kay Transportation Sec. Jaime Bautista, ang ikinasang tigil-pasada ng grupong MANIBELA.
Sinabi ni Bautista na ipinauubaya niya sa grupo ang pagde-desisyon kung ipagpapatuloy pa nila ang tatlong araw na transport strike, na nagsimula kahapon.
Aniya, bagaman may ilang lumahok sa transport strike ay hindi naman ito naging sapat para maparalisa ang transportasyon.
Iginiit din ng Kalihim na ang alegasyon ng grupo sa phaseout ay hindi naman totoo. —sa panulat ni Lea Soriano