Malaking panghihinayang ang naramdaman ng isang residente sa Cavite makaraang madiskubre na nasira ang 1,000-peso bills na kanyang inipon sa PVC pipe na ginawa niyang alkansya.
Ayon kay Maria Louiena Lopez, nagsimula siyang mag-ipon noong nakaraang taon para may magamit sa pagpapakonsulta ng kanyang anak na inoperahan sa puso.
Inakala kasi ng ginang na mas safe ang improvised na alkansya dahil matibay aniya ito at sarado.
Gayunman, nang buksan na aniya nila ito ay halos maiyak silang mag-asawa matapos makita ang mga perang papel na nagkakahalaga ng P34,000 na tila kinapitan ng mga kalawang at dumi.
Maaari namang mapalitan ang mga nasirang banknotes, basta’t nasunod ang mga requirement ng Bangko Sentral ng Pilipinas. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera