Asahan ang pagtaas ng terminal at airport fees sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa susunod na taon matapos ang pag-turnover ng paliparan sa isang pribadong kumpanya.
Mag-uumpisa na sa buwan ng Setyembre ang rehabilitation ng paliparan na nagkakahalaga ng P170.6-B at tututukan ng private firm.
Una nang sinabi ni DoTr Secretary Jaime Baustista, maaaring umabot sa P950 ang terminal fee sa 2025.
Ang nasabing halaga ay subject to approval pa o kailangan pa munang aprubahan ng pamahalaan.
Sa ngayon nasa P200 ang binabayarang terminal fee ng domestic travelers habang P550 naman sa international travelers.